-- Advertisements --

Nakipagkasundo na ang Quezon City Goverment sa COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca.

Sinabi ni Quezon city Mayor Joy Belmonte na mayroong 750,000 na doses para sa 375,000 na katao ang kanilang bibilhin mula sa British-Swedish company.

Bagamat 13% lamang ang nasabing bilang sa kabuuang populasyon ng lungsod na mayroong 2.9 million, gagawa pa rin daw ng paraan para sa makabili pa karagdagang bakuna.

Katuwang nila na kinausap ng National Task Force on COVID-19 na sinasabing ito ang Quezon City government ang unang local government na nakapagkontrata para makabili ng COVID-19 vaccine.