-- Advertisements --

Tinulungan ng Quezon City government ang mga siklistang walang kakayahan na makabili ng kanilang helmet.

Bilang maagang pagbibigay ng paalala sa ipapatupad nilang ordinansa na pag-aresto sa mga siklistang walang helmet ay nagpamahagi sila ng nasa 2,000 na helmet.

Pawang mga siklista na walang mga kakayahan na makabili ng helmet ang kanilang nabigyan ng helmet .

Nakasaad sa bagong ordinansa ng Quezon city na ipapatupad sa Oktubre 15 na kapag walang helmet ay pagmumultahan ito ng P1,000 hanggang P5,000.

Maari raw itong mapababa kapag hirap ang mga maaaresto o mga nasa marginalized sector.

Magsasagawa muli ang Quezon City Government ng pamimigay ng mga helmet sa ilang siklistang dadaan sa lungsod.