Pinaigting ng Quezon City local government ang kampanya kaugnay sa pagbabawal sa mga menor de edad na lumalabas sa kanilang kabahayan.
Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, mayroong 340 na mga minors ang kanilang naaresto.
Kasabay din nito, may ilang establisyemento na rin ang kanilang ipinasara dahil sa pinayagang makapasok ang menor de edad.
Ayon naman kay Quezon City Task Force Disiplina Rannie Ludovica na katuwang nila ang kapulisan para bantayan ang kanilang lugar sa mga menor de edad na pakalat-kalat sa kalsada.
Tinikitan din nila ang mga magulang ng 340 na kabataan na kanilang naaresto dahil sa paglabag sa ordinansa na Quezon City special protection of Children against COVID-19.
Sa panig ng Business Permits and Licensing Department na isinara na nila ang ilang tianggehan sa Novaliches.
Hinikayat din ng mga opisyal ng lungsod ang kanilang mga mamamayan na isumbong sa kanilang opisina ang mga nakikitang menor-de-edad na nakikitang gumagala lalo aniya at hindi pa natatapos ang pandemya.