-- Advertisements --

Plano ngayon ng Quezon City Government na magsampa ng kaso laban sa Bestlink College of the Philippines.

Kasunod ito sa naging pagkukulang nila na inilagay sa kapahamakan ang mga mag-aaral noong nagsagawa ng field trip sa isang resort sa Hermosa, Bataan noong Enero 26.

Ayon kay Vice Mayor Gian Sotto, na nakitaan nila ang maraming pagkukulang ang paaralan.

Ilan sa mga dito ay ang pagkakaroon lamang ng anim na ambulansya sakaling magkaroon ng aksidente na ito ay kulang sa bilang ng mahigit 25,000 na mga mag-aaral na lumahok.

Sa ngayon ay inilapit na nila sa mga legal counsel ng lungsod kung ano ang maaaring makaharap na kaso laban sa nasabing kolehiyo.

Magugunitang inireklamo ng mga mag-aaral ng nasabing kolehiyo ang hindi magandang pagplano sa field trip kung saan ilan sa mga dito ay ang kakulangan ng sasakyan at ang kaligtasan.