All set na ang pamahalaang lungsod ng Quezon para sa idaraos na Barangay at SK elections at paggunita ng Undas.
Ayon pa sa city government, isasagawa ang BSKE elections sa 142 barangay ng lungsod sa 169 polling precincts.
Ang 3 malls sa iba’t ibang distrito ay magsisilbing polling precincts kabilang ang malaking mall sa North Edsa sa District 1, Robinsons Magnolia sa District 4 at mall sa Fairview sa District 5.
Magiging bahagi naman ng pilot testing para sa automated BSKE na gagamit ng vote counting machines ang Pasong Tamo Elementary School, Judge Feliciano Belmonte Senior High School, at sa CBE Town Covered Court.
Nag-hire din ang city government ng 550 dyip kasama ang 170 na pagmamy-aring sasakyan ng lokal na pamhalaan para sa transportasyon ng mga guro, poll clerks at 587 personne na idedeploy gayundin sa distribusyon at pagkuha ng mga ballot boxes ng Comelec at election paraphernalia.
May mga ipapakalat naman na mahigit 800 personnel para sa traffic assistance habang 390 personnel mula sa Department of Public Order and Safety at 372 miyembro ng QCPD na magbibigay naman ng seguridad, escort at monitoring bago at sa kasagsagan ng lokal na halalan sa Lunes.
Para naman sa paggunita ng Undas, inactivate ng LGU ang Oplan Kaluluwa para matiyak ang seguridad ng QCitizens na dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa mga sementeryo at mga kolumbaryo.
Pinaalalahanan din ang publiko na ipinagbabawal ang mga gamit sa loob ng sementeryo at kolumbaryo katulad ng baril, matutulis na bagay, alak, cards o dice pangsugal at loudspeakers.