Nangako ang Quezon City government at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gagawing integrated at “whole-of-society approach” ang programang Project TRANSFORM upang tugunan ang epekto ng climate change.
Ang Project TRANSFORM o Transdisciplinary Approach towards Resilience and Environmental Sustainability through Multi Stakeholder Engagement ay proyekto ng DENR katuwang ang mga local government units at iba’t ibang organisasyon para masiguro ang inclusive at participative programs na kinakailangan ng mga komunidad.
Lubos na nagpapasalamat si QC Mayor Joy Belmonte sa DENR sa pagkilala umano sa kanilang environmental action. Naniniwala si Belmonte na ang proyektong ito ay magdudulot ng mas sustainable at inclusive na climate initiatives para sa mga residente ng lungsod.
Ikinalugod naman ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga ang 14-point agenda ng Quezon City government kabilang na ang environmental protection at climate action. Kinikilala umano ng kanilang ahensiya ang commitment ng Quezon City para sa sustainable environmental conservation efforts kung saan pakikinabangan umano ng mga susunod pang henerasyon.