Nakipagpulong ang Quezon City government, at Land Transportation Franchising and Regulatory Board – NCR (LTFRB-NCR), sa mga miyembro ng Novaliches Transport Coalition (NTC) na binubuo ng mga drayber ng UV at jeep kahapon ng umaga.
Sa nasabing dayalogo, pinakinggan nina Mayor Joy Belmonte at Atty. Sherwin Vizconde ng LTFRB-NCR ang mga hinaing at hiling ng mga tsuper ng Novaliches, gaya ng implementasyon ng NCAP, paglalagay ng common terminal sa Novaliches, at paglilinaw sa guidelines ng PUV modernization.
Ipinangako naman ni Mayor Joy sa mga drayber na magiging katuwang nila ang lokal na pamahalaan para makatulong at masuportahan ang kanilang sektor.
Kaugnay nito, pinangunahan din ng alkalde ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng NTC, na mayroong 17 kasaping grupo ng mga drayber na rutang Novaliches.
Bukod kay Mayor Joy, dumalo din sa nasabing pagtitipon ang ilang mga opisyal ng siyudad gaya ng Bgy. Greater Fairview Kap. Jonel Quebal, Task Force Traffic and Transport Management OIC Dexter Cardenas, Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, District 5 Action Officer William Bawag, at Mr. Joseph “Joe” Visaya.
Ikinatuwa naman ng mga drivers ang naging tugon ni Mayor Joy at ng LTFRB NCR.