Nakipagpulong ang Quezon City Government sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte kasama ang UP Pandemic Response Team (UP PRT) upang lalo pang mapabuti ang pagtugon sa pandemya ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na makikipagtulungan ang UP-PRT, Unexus Medical Solutions Inc., sa Quezon City Epidemiology & Disease Surveillance(CESU) sa pagpapatupad ng MedAlert COVID Testing and Contact Tracing Platform na magagamit upang matukoy ang datos ng mga pasyente mula sa testing hanggang sa mga close-contact nito.
Dumalo sa nasabing meeting sina Dr. Rolly Cruz ng QCESU, Dr. Mahar Lagmay, Dr. Emmanuel Luna at Jude Agapito ng UP Pandemic Response Team, Cocoy Mercado ng Unexus Medical Solutions at Joseph Juico, outgoing Co-chair ng QC Task Force Vax to Normal at QC Pandemic Response Team.
Sa kabilang dako, nagsagawa naman ng inspeksyon ang Quezon City Department of the Building Official (DBO) sa mga closed-setting at care facilities sa lungsod upang masigurong sumusunod sa guidelines ng tamang ventilation ang bawat establisyimento.
Aabot sa 100 na gusali ang binisita ng mga kawani ng DBO upang tingnan ang pagpapatupad ng proper ventilation sa mga pasilidad.
Ito ay bahagi ng pandemic response effort ng lungsod at mapigilan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 virus.
Samantala, nasa 93.73% o 157,212 na ang gumaling mula sa Covid-19 infection sa lungsod.
Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), 9,089 ang kumpirmadong active cases mula sa 167,731 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.