-- Advertisements --

Umapela ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa mga kandidato na kung maaari iwasan ang paggamit ng polyethylene o plastic campaign materials bilang compliance sa City Ordinance 2202-2013.

Ang nasabing ordinansa ay epektibo simula pa nuong taong 2013 na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit at installation ng advertisements or propaganda materials na gawa sa plastic sa Quezon City.

Dalawa kasi ang karaniwang ginagamit na materials para campaign posters ito ay Polyethylene (plastic) at PVC.

Ang polyethylene types ay karaniwang nilalagay sa mga sapa at esteros.

Ayon kay DSQC Chief Richard Santuile dahil sa volume na kailangan sa panahon ng halalan, nakakalat saan saan ang mga plastic posters na mas mura kumpara sa PVC o polyvinyl chloride.

Sinabi ni Santuile,karamihan sa kanilang nako kolekta sa kanilang isinagawang cleanup activities ay mga plastic advertising at campaign posters, gayong mahigpit itong ipinagbabawal sa siyudad.

Nuong nakaraang buwan ng Marso, sinimulan ng city government ang pagbaklas sa mga illegal advertisements na hindi nakalagay sa mga common poster areas na designated ng Commission on Elections.

Inihayag ni Department of Public Order and Safety (DPOS) Chief Elmo San Diego, nasa 24 truckloads o 21 tonelada ng ads, kabilang yung mga gawa sa plastic ngayong buwan lamang.

Sinabi ni San Diego na dahil marami pa rin mga plastic posters ang kanilang nakukumpiska, kanila pang pinalakas ang kanilang operasyon at patawan ng parusa ang mga lumabag sa ordinansa.

” We can still see ads and posters made from plastic during our routine clearing operations. That’s why the city will ramp up our operations and penalize those who have violated the ordinance,” pahayag ni San Diego.

Ang penalties para duon sa mga indibidwal at mga negosyo na lalabag sa ordinansa.

Sa unang offense makakatanggap ng notice of violation ang indibidwal; ang second offense ay nasa P3,000 at community service para sa tatlong araw.

Ang third offense ay P5,000 ang fine at three-day community service.

Para sa mga corporations na lumabag sa ordinance makakatanggap ng notice for the first offense; P3,000 fine para sa second offense; at P5,000 fine at revocation ng Mayor’s Permit to Operate para sa third offense.

Epektibo, ngayong araw April 1,2022, ang mga kandidato ay bibigyan lamang ng limang araw para boluntaryo nilang tanggalin ang kanilang mga plastic advertisement or campaign materials dahil kung hindi ay mismo ang mga tauhan ng city’s law and order cluster ang magtatanggal sa nasabing mga posters.

Ang mga nakumpiskang plastic paraphernalia, kabilang ang mga unclaimed PVC posters, ay kanilang iturned over para sa recycling sa Climate Change and Environmental Sustainability Department’s (CCESD) Trash to Cashback program.

Hinimok naman ng QC govt ang mga QCitizens na ireport ang anumang paglabag sa pamamagitan ng kanilang hotline 122.