-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ginagawa nilang inisyatibo sa pagtitipid ng kuryente.
Sinabi nito na mayroon na silang tatlong gusali sa Quezon City Hall na solar-powered na.
Pinalawig na nila ang pagpapatupad ng QC Solarization Program ngayong taon para mabawasan ang pagdepende nila sa mga non-renewable energy.
Bukod sa City Hall ay balak din nila itong ipatupad sa mga paaralan at pagamutan ng lungsod bilang promosyon sa paglaban sa climate change.
Sa kasalukuyan ay nasa 600 photovotlaic solar panels ang nakakabit sa pangunahing gusali ng kanilang City Hall.
Bukod sa makakatipid ang kanilang gobyerno ng nasa P1.5milyon sa bill ng kuryente ay mababawasan din ang carbon footprints ng nasa 125 tonelada kada taon.