-- Advertisements --

Naglabas ng memorandum si Quezon City Mayor Joy Belmonte na ang Quezon Memorial Circle at Ninoy Aquino Parks and Wildlife ay siyang parke na itinturing na Child-Friendly Safe Zones.

Kabilang din dito ang mga parks na pag-aari ng lungsod at minamantine ng Quezon City Parks Development and Administration Department (PDADA).

Kasama rin na papayagan ang mga bata na makapasyal ang mga parke na nas residential subdivision.

Dagdag pa ng alkalde na maaring italaga ng Quezon City Business Permits Licensing Department (BPLD) ang mga safe zones kabilang ang activity areas, swimming pools, tourist sites, al fresco dining o mga mall na may open air dining.

Kasama sa guidelines na dapat samahan ng mga fully vaccinated adults ang mga lalabas na bata.