-- Advertisements --

joy1
oy Beloy

Pinasinayaan ng Quezon City government ang kanilang sariling QC Cold Room and Storage Facility kung saan ilalagay ang mga bakuna at gamot na may controlled cold temperature requirements.

Ang blessing ay pinangunahan mismo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ayon kay Mayor Belmonte ang QC Cold Room and Storage Facility ay may lawak na 105 sqm facility na equipped with medical grade walk-in freezers na binubuo ng 7 units (5.0 Horsepower) at 1 unit (3.0 Horsepower) Wall Mounted Unit Coolers capable na umabot sa 2 – 8 degrees Celsius at may negative temperature provision para palamigin at i-store ang mga COVID-19 vaccines gaya ng Pfizer, AstraZeneca, at Sinovac.

Ang nasabing storage facility ay equipped ng digital temperature control and monitoring na naka kunek sa alarm system para matiyak ang safety and quality ng mga bakuna at gamot.

Ang nasabing facility ay maaaring maka-accomodate ng 20,000 vials in Ultra Low Freezers (-60 to – 80 deg C), 10,000 vials naman sa Chest Type Freezers (-15 to -25 deg C), at 100,000 to 500,000 vials sa loob ng cold storage (2 to 8 deg C) depende sa size ng vial.

Pagbibigay-diin ni Mayor Joy na ang nasabing facility ay isang valuable investment para sa public health system program ng siyudad.

Ang facility ang siyang pinakamalaking cold room and storage facility sa ilalim ng pamamahala at kontrol ng local government.

Sa ngayon kasi nakikipag partner ang siyudad sa Zuellig Pharma para sa storage and logistics ng COVID-19 vaccines, pero sa katapusan ng buwan ng Nobyembre ilang Covid19 supplies ay ililipat na sa QC Cold Room and Storage Facility.

Samantala, umabot na sa 1,835,134 o 107.95% ng target adult population ang maituturing na fully-vaccinated.

Kabilang na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.

Higit 1,946,804 residente at workers sa QC naman ang nabakunahan na ng isang dose ng vaccine.

Patuloy rin ang pagbabakuna sa minors with or without comorbidity. Kasalukuyang nasa 129,841 na bata na ang nabakunahan sa Quezon City.

Sa kabuuan, higit 3,824,777 million doses ng bakuna ang naiturok ng QCProtekTODO Vaccination Program.

Hinihikayat naman ang QCitizens na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.