-- Advertisements --

Nagdeklara ang Quezon City government ng dengue outbreak matapos tumaas ng 200 percent ang mga kaso nito mula Enero 1 hanggang Pebrero 14.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na minobilize na pamahalaang lungsod ang lahat ng 

available resources upang pigilan ang oubreak at maprotektahan ang mga residente sa QC, partikular ang mga bata, mula sa sakit.

Ayon sa datos mula sa QC Epidemiology and Surveillance Division, 1,769 na kaso ng dengue ang naiulat sa pagitan ng Enero 1 at Pebrero 14, halos 200 percent increase ng mga kaso kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sinabi ni Belmonte na 58 percent ng mga naiulat na kaso ay may kinalaman sa mga batang nasa paaralan, 5 hanggang 17, habang 44 percent ay mga batang may edad na 1 at 10.

Umapela si Belmonte sa mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak mula sa sakit.