-- Advertisements --

fuel2 1

Namahagi ang pamahalaang lokal ng Quezon City ng P500 fuel subsidy voucher para sa lahat ng tricycle driver na pumapasada sa siyudad.

Ito ay para alalayan ang mga tsuper na lubos na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng tulong sa halos 4,000 registered tricycle drivers.

Ang iba pang TODA drivers ay mabibigyan naman sa susunod na mga araw.

Maliban sa P500, magbibigay pa ang lokal na pamahalaan ng P1,000 fuel subsidy ayon sa Ordinance SP3100, S-2022 na naipasa ng Sangguniang Panglunsod na inakda ni Majority Leader Franz Pumaren.

Ang mga nabanggit na fuel subsidy program ng QC ay iba pa sa nakatakdang ibigay ng national government.

fuel3

Layon ng lungsod na mabigyan ng fuel vouchers lahat ng 25,000 rehistradong tricycle drivers bilang pag-alalay sa patuloy na tumataas na presyo ng langis.

Lubos namang nagpasalamat ang mga tsuper sa tulong na ibinigay ng Quezon City government.

Ayon naman kay Mayor Belmonte nararapat lamang na mabigyan ng kaunting tulong ang mga drivers lalo na ngayon patuloy na tumataas ang presyo ng krudo.

Hinimok naman ni Belmonte ang mga QCitizens lalo na ang mga motorista na i avail ang free rides ng Q City Bus System sa kabila ng pagtaas ng presyo ng gasolina.