-- Advertisements --

tablet4

Nagsimula nang ipamahagi ng Quezon City gov’t ang mga karagdagang tablets para sa mga mag-aaral ng mga pampublikong paaralan ng siyudad bilang paghahanda sa pagbubukas ng school year 2021-2022.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang paunang 15,000 Samsung tablets ay nakalaan para sa mga Grade 4 to Grade 6 students na siyang ipinaabot sa kanilang mga magulang.

Simula noong nakaraang school year, aabot na sa 191,000 tablets ang binili ng lungsod.

Sinabi ni Belmonte, ito ay panimula lamang para magbigay suporta sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral para sa distance learning sa gitna ng pandemya.

Binati naman ni Mayor Belmonte ang mga estudyante at mga guro sa pagbabalik eskwela.

“Isang masayang pagbabalik-eskwela sa ating kabataang QCitizens! Kaagapay ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang lahat ng mga magulang, guro at kawani ng paaralan para sa dekalidad na edukasyon ng ating kabataan,” mensahe ni Belmonte.