Pansamantala munang isinara ang gusali ng Quezon City Hall of Justice at ang annex nito matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang apat na court officers at empleyado nito.
Sa pahayag ng local government unit, ipinag-utos ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapasara muna ng gusali sa loob ng isang linggo hanggang makumpleto ng Quezon City Epidemiological and Disease Surveillance Unit (QC-ESU) ang kinakailangang testing at containment measures.
Laman din sa liham ni Belmonte kina Regional Trial Court Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert at Metropolitan Trial Court Executive Judge Ace Alagar ang paliwanag ng alkalde tungkol sa nasabing hakbang.
Ayon naman kay QC-ESU head Dr. Rolly Cruz, magsasagawa raw sila ng masinsinang contact tracing sa lahat ng mga nakasalamuha ng mga court officers at kawani, at magsasawa din daw ng kinakailangang follow-up testing.
Samantala, sinimulan na rin ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ang masinsinang surface disinfection at misting sa buong City Hall complex.
Sinabi ng ahensya, nagsimula raw ang disinfection kahapon, at magtatagal hanggang sa araw ng Linggo.