-- Advertisements --

Inilunsad ng Quezon City Government ang unified database sa mga kaso ng pananakit sa mga kababaihan at mga kabataasn.

Ang QC Violence Against Woman Centralized Databank System ay magagamit sa mga Violence Against Women and Childeren desk officers sa lungsod at sa 142 barangays, police stations at Gender and Development (GAD) Council.

Ipinagmalaki ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ang nasabing programa ay siyang kauna-unahan sa bansa.

Ipinatupad ang nasabing programa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng pananakit sa mga kababaihan at mga kabataan sa lungsod.

Base kasi sa kanilang record na mayroong pagtaas na 66.67 percent ang kasong pananakit sa mga kababaihan habang tumaas ng 21.54 percent ang rape case sa lungsod.

Inatasan na rin ng alkalde ang lahat ng mga ahensiya gaya ng PNP na agad na tugunan ang mga inilalapit na reklamo sa kanilang opisina.