Inanunsyo ng pamahalaan ng Quezon City na magkakaroon na ng bisa ang Calorie Labeling Ordinance na unang inamyendahan noong 2024 na sisimulan namang ipatupad sa Disyembre 20, 2025.
Ang naturang ordinansa ay nag-uutos sa mga restaurant na ilagay ang bilang ng calorie sa kanilang mga menu.
Nilagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang naturang ordinansa kasama ang City Health Department upang manguna sa mga hakbangin.
Layunin ng ordinansa na tulungan ang mga residente ng Lungsod na magdesisyon sa pagpili ng healthy na pagkain sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na impormasyon ukol sa nutrisyon ng bawat pagkaing kanilang kakainin.
Para naman sa mga lalabag sa ordinansa, papatawan ng multa ng P1,000 at tataas ito sa bawat ulit na paglabag, kabilang ang pagkansela ng business permit matapos ang ikaapat na paglabag.
Samantala mayroong 2,000 na rehistradong restaurant ang lungsod, at bibigyan ng 15 araw ang mga negosyo upang sumunod sa ordinansa.