-- Advertisements --

Isinailalim ng Quezon City local government sa quarantine ang ilang residente ng kanilang lugar na natukoy na may closed contact sa pasyenteng nagpositibo sa Mpox.

Ayon sa impormasyon, umaabot sa 41 individuals ang natukoy matapos ang contact tracing.

Pinaniniwalaang madaragdagan pa ito, kung may iba pang matutukoy na nakahalubilo ng mpox carrier.

Nilinaw naman ng QC government na hindi nito layuning magdulot ng takot kundi bahagi lamang ng pag-iingat para hindi na kumalat ang sakit.

Nabatid kasi na walang travel history ang pasyente kaya inaalam ng mga eksperto kung kanino ito nahawa ng nasabing virus.