-- Advertisements --

Maagang tinapos ng pamahalaan ng Quezon City ang pagdiriwang ng Pride Festival dahil sa malakas na ulan sa lugar.

Sa isang pahayag, nagpasya ang pamahalaang lungsod at ang mga organizer na tapusin nang maaga ang programa para sa kaligtasan at kapakanan ng publiko.

“Nais naming ipagbigay alam na nakompromiso ang electrical at sound system sa stage nang dahil sa malakas na ulan at posibleng makapinsala sa mga crew at mahal nating performers,” saad pa. 

Gayunpaman, sinabi ng Quezon City LGU na hindi ito ang pagtatapos ng kanilang laban. Ang Pride ay pang-araw-araw, at marami pang pagkakataon na tayo ay muling magsasama-sama. 

Gayunpaman, lumagpas sa target na 200,000 katao ang nakiisa sa Pride Festival.