-- Advertisements --
JOY Belmonte

Nangako ng tax incentive ang lokal na pamahalaan ng QC, sa mga negosyong sumusuporta sa kanilang mga priority programs lalo na ang pagbibigay ng serbisyo sa mga marginalized sektor ng lipunan.

Nilagdaan rin ni Mayor Joy Belmonte ang isang City Ordinance SP-3213, S-2023 na naglalayong bigyan ng Tax Credit Certificate ang mga pribadong donors na maaari nilang magamit sa business tax dues sa City Treasurer.

Paliwanag ni Belmonte, naglalayon itong mapalakas ang partnership sa pagitan ng LGU sa pribadong sektor upang mas maraming mga mahihirap na residente ng lungsod ang maabot ng tulong at serbisyo mula sa kanilang lokal na pamahalaan.

Nakapaloob sa naturang ordinansa na makatatanggap lamang ng Tax Credit Certificate ang mga negosyong magdo-donate ng asset o serbisyo sa lungsod.

Sa kasalukuyan, pinangungunahan ng City Treasurer’s Office ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations para sa agarang pagpapatupad ng tax incentive.

Top