-- Advertisements --
Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na kanilang ipagpapatuloy ang mga programang makatutulong sa mga batang may kapansanan.
Kaugnay nito ay naibot na ng QC LGU ang educational assistance sa 551 na magulang ng mga children with disabilities sa kanilang lugar.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng QC, bahagi lamang ito ng mga adbokasiya na sinimulan ng kanilang alkalde para mapabuti ang education sector ng lungsod.
Bawat benepisyaryo ay nabigyan ng tig P5,000 educational assistance.
Siniguro rin ng QC LGU ang scholarship at iba pang tulong sa mga mag-aaral sa lungsod na may kapansanan.