-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 50,000 na mga muslim mula sa Quezon City ang nakinabang sa Halal awareness campaign ng Department of Trade and Industry.

Sa naturang event tampok ang mga Halal-friendly trade fair na itinuturing na kauna-unahang event matapos ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Kabilang sa mga itinampok ay ang mga Halal product na mga pagkain, damit, cosmetics, frozen at maging non-frozen meat at iba pa.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, mahalaga para sa mga Muslim community ang inclusivity sa kanilang lungsod.

Ikinatuwa naman ng alkalde ang aabot sa humigit-kumulang 50,00 na mga muslim sa kanilang lugar

Samantala, matatagpuan ang naturang Halal-Friendly Trade Fair sa Risen Garden sa loob ng Quezon City Hall.