Magpapakalat sa mga susunod na araw ang Quezon City Government ng mga mobile x-rays at quarantine facilities para mabawasan ang mga nakapilang pasyente sa mga pagamutan sa lungsod.
Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na ang mga nakakadama ng sintomas ng COVID-19 ay maaring dumiretso na sa mga ipinakalat na hpe quarantine facility para sa kanilang x-ray examination.
Iginiit pa ng alkalde na kaya napupuno ang mga pagamutan sa kanilang lungsod ay dahil sa lahat ng mga may sintomas ay dumidiretso sa emergency room.
Sa susunod na dalawang linggo ay nakatakdang buksan ng Quezon City government ang ilang COVID-19 facilities na kayang mag-accomodate ng hanggang 100 katao.
Nakakuha rin ang lungsod ng pag-apruba mula sa Department of Education na maaring gamitin ang kanilang mga paaralan bilang isolation facilities.