-- Advertisements --

Naglabas ng panuntunan ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng mall sales at mga outdoor dining.

Sinabi ni Mayor Joy Belmonte, na ang nasabing hakbang ay para makabangon ang ekonomiya ng lungsod.

Dagdag pa ng alkalde na bumababa na ang kaso ng coronavirus sa kanilang lungsod kaya minabuti nilang magluwag sila sa mga malls at restaurant.

Pinaalalahanan din ng alkalde na kahit nagluwag na sila sa mga kainan at mga malls ay dapat huwag isantabi ang pagpapatupad ng health protocols.

Maari na ring isagawa ang mga tiangge, flea markets at bazaars basta ilista ng mga event organizers ang mga dadalo.

Ilan sa mga pagbabago na gagawin ay dapat maglagay ang mga malls ng pilahan para sa thermal scanneer at magtalaga ng sapat na bilang ng mga marshalls na magpapaalala sa pagpatupad ng social distancing.

Inatasan niya ang Quezon City Police District sa mahigpit na pagpapatupad ng nasabing kautusan.

Mayroon na kasing 94% ang gumaling na sa mula sa nadapuan ng COVID-19 kung saan mayroong 756 na aktibong kaso.