-- Advertisements --
Nais ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga government offices na kaniyang nasasakupan na magpatupad ng ‘work from home’ setups ngayong Semana Santa para maiwasan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa alkalde na nais nilang limitahan ang mga paggalaw ng mga tao sa susunod na siyam na araw.
Kaya hanggang sakali aniya ay dapat manatili na sila sa kanilang mga bahay.
Umaasa ang alkalde na sa ganitong paraan ay mapapababa na nila ang bilang ng mga nahahawan ng virus.