Nanawagan ng pagreporma si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Bureau of Fire Protection-Quezon City Fire District sa gitna ng mga lapses nito sa kanilang performance.
Ito ang inihayag ni Belmonte kasunod ng naging resulta ng kanilang naging imbestigasyon sa performances ng nasabing hanay.
Batay kasi sa ikinasang pagsisiyasat ng city government, lumalabas na may mga lapses o pagkukulang ang Quezon City Fire District pagdating sa pagtupad nito sa kanilang tungkulin tulad ng lax inspection, mga backlog sa examination businesses nito, at iba pa.
Base sa datos na inilabas mismo ng BSP, nasa 153 na mga sunog ang naitala sa QC mula noong Enero hanggang Agosto 2023 mas mataas ito kumpara sa 219 na mga insidenteng naitala sa buong 2022.
Mula sa naturang mga insidente noong Agosto 2023, nasa 63 sibilyan, at 8 bumbero ang nasaktan na mas mataas kumpara sa 60 sibilyan at 2 bumberong napaulat na nasugatan noong nakalipas na taon.
Nasa 24 ang nasawi sa loob pa lamang ng walong buwan ng taong 2023, habang 30 naman naitalang namatay noon sa buong taon ng 2022.
Ayon kay Belmonte, sa ngayon ay hindi na gaanong nagiging epektibo ang kapabilidad ng naturang fire district ng kanilang lungsod pagdating sa pagtugon sa mga sunog na sumisiklab sa kanilang lugar.
Dahilan kung bakit kinakailangan na aniya na magkaroon ng pagbabago sa pamunuan ng nasabing hanay ng ahensya para na rin sa kapakanan ng mga residente sa Quezon City.
Kung maaalala, nagsagawa ng imbestigasyon ang QC government sa performance ng QC fire district kasunod ng insidente ng sumiklab na malaking sunog sa bahagi ng Tandang Sora na kumitil sa buhay ng 15 tao.