-- Advertisements --
Mahigit sa kalahati ng target population ng Quezon City ang nakatanggap na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine.
Base sa data ng QC government, na 2,626,579 ang naturukan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay mayroong 1,728,673 o 101.69% ng 1.7-M adult population sa QC ang nabigyan ng unang dose ng habang 897,906 o 55.90% ang nakatanggap ng second dose.
Sa kabuuan ay aabot na sa 991,636 o 58.33% sa adult population ang naturukan na nila ng COVID-19 vaccines.