Nag-alok ng tulong ang pamahalaang lungsod ng Quezon sa mga maliliit na retailers na apektado ng pinaiiral ng pamahalaan na price cap sa regular at well-milled rice.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, maaaring mag-avail ang mga retailer ng anuman sa assistance programs nito para sa maliliit na negosyante upang maipagpatuloy pa rin ang kanilang negosyo.
Saad pa ng alkalde na may ibang market stalls at tindahan na ang pansamantalang nagsara dahil hindi nila kinaya ang ipinapatupad na price cap.
Inihayag din ni Mayor Belmonte na maaaring i-waive ng city government ang binabayarang upa o magbigay ng diskwento sa rice dealers, wholesalers at retailers.
Bukas din ang pamahalaang lungsod na makipagdayalogo sa mga apektado ng price cap upang matugunan ang lahat ng concerns kaugnay sa isyu.