-- Advertisements --

Inilabas na ng Quezon City local government unit ang bagong traffic advisory kasabay ng isasagawang Bar Examinations sa buwan ng Setyembre.

Ang University of the Philippines Diliman Campus ang isa sa mga magsisilbing venue ng Bar Exams kung saan inaasahang maraming mga estudyante at kanilang mga kaanak ang magtutungo rito.

Kabilang sa mga inaasahang maaapektuhan ng matinding trapiko ay ang University Avenue, C.P. Garcia Avenue, Katipunan Avenue, at Commonwealth Avenue.

Habang maaga pa, inaabisuhan na ng QC LGU ang publiko na dumaan sa alternatibong mga ruta sa mga araw na isasagawa ang pagsusulit.

Kasabay nito ay idedeploy naman ang sapat na mga miyembro ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para magmando sa trapiko.

Gaganapin ang pagsusulit sa Setyembre 8, 11, at 15, 2024.