Naglunsad ng bagong vaccination registration portal ang Quezon City government para kanilang matugunan ang dumaraming bilang ng mga nagnanais na magpabakuna.
Ang QC Vax Easy ay isang city-assisted registration system para tumulong sa pagpaparehistro ng nagnanais na magpabakuna.
Kailangan lamang ng mga registrant na magtungo sa link na nakalagay sa nasabing portal.
Sinabi ni City Administrator Michael Alimurung na makakatulong ito sa ilang residente na hirap makapagparehistro ng nasabing programa.
Ang QC Vax Easy ay isang first-in, first-out registration na ang mga nagparehistro at nagsumite ng kanilang personal informatin ay mabibigyan ng schedule ng kanilang pagpapabakuna.
Magugunitang target ng QC government na mabakunahan ang mahigit na kalahati ng kanilang populasyon kung saan nakapagtala na sila ng record na mayroong mahigit 35,000 na ang nabakunahan sa loob lamang ng isang araw.