Sumampa na sa mahigit dalawang libong kaso ng Dengue ang naitala ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Batay sa latest report ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, umabot na sa kabuuang 2,067 cases Dengue ang naitala sa lungsod.
Ang datos na ito ay mula Enero hanggang August 3 ng kasalukuyang taon.
Pinakamaraming kaso ang naitala sa District 2 na umabot sa 523 cases habang sinundan ito ng District 3 na may 174 na kaso.
Wala namang naging paggalaw sa bilang ng mga nasawi na pumalo lamang sa tatlo.
Tiniyak naman ng QC LGU na walang patid ang kanilang isasagawang clean up drive at health awareness lecture upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na dala ng lamok.
Bukas naman ang kanilang mga health centers para sa mga residente na gusto magpa konsulta at kung sila ay nakakaranas ng dengue symptoms.