Nakapagtalang muli ng isang kaso ng Mpox ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon.
Dahil dito ay umabot na sa kabuuang anim na kaso ang naiulat sa lungsod.
Nabatid na ang panibagong pasyente ay isang 30 anyos na lalaki at ito ay residente rin ng QC.
Sa impormasyon na ibinahagi nito, napag-alaman na nakaramdam ito ng sintomas ng naturang sakit simula pa noong Oktubre 18 ng taong ito bagay na ipinagwalang bahala lamang nito noong una.
Sinabi naman ng City Epidemiology and Surveillance Division, ang naturang pasyente ay bumisita sa isang club na ipinasara na ng QC LGU.
Tumangging makipag-tulungan ang natukoy na club sa mga contact tracing team ng lungsod at ito ay malinaw na paglabag sa sa Republic Act 11332.
Ang batas na ito ay mas kilala sa tawag na Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act.
Kaugnay nito ay siniguro ng lungsod na hindi na nila pahihintulutang makapag operate muli ang naturang club hanggat nagmamatigas itong sumumunod sa mga regulasyon.