Pansamantalang itinigil ng Quezon City government ang pagpoproseso ng identification card (ID) para sa mga persons with disability (PWD).
Kasunod ito sa kontrobersiya ng pagkakaroon ng mga PWD ID ang anim na miyembro ng isang pamilya kahit na ang mga ito ay hindi kwalipikado.
Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, simula ngayong araw hanggang bukas ay ititigil muna nila ang pagpoproseso ng mga PWD ID.
Sa nasabing mga araw ay kanilang pag-aaralan kung paano magiging ligtas na at hindi na basta mapeke ang pagproseso ang nasabing mga ID.
May mga babaguhin silang sa nasabing pagproseso ng PWD para hindi na maulit pa ang kontrobersiya.
Pinagpaliwanag na rin ng alkalde ang isa sa mga inireklamo na empleyado ng gobyerno.
Ayon naman kay city legal officer ng lungsod na si Atty. Nino Casimiro na posibleng maharap sa kasong grave misconduct na magreresulta pa sa pagkatanggal nito kapag napatunayan ang alegasyon.
Lumabas rin sa imbestigasyon ng city government ng Quezon na nagbayad umano ng tig-P2,000 ang mga inireklamo para makakuha ng ID.
Dagdag pa ni Casimiro, galing pa noong nakaraang administrasyon ang nasabing mga PWD cards.
Nagbunsod ang nasabing reklamo sa pagkalat sa social media ng pagkakaroon ng PWD card ng anim na miyembro ng pamilya kahit ang mga ito ay hindi kuwalipikado.