Inanunsyo ng Quezon City government kahapon na magbibigay ito ng mas mataas na financial grant para mapalawak ang scholarship program sa kanilang lungsod.
Ayon sa kay QC Mayor Joy Belmonte hangad nila na mas paigtingin ang mga programa ng lungsod na may pang matagalang epekto sa buhay ng mga kabataan.
Handog rin aniya ng pagpapalawak ng kasalukuyang scholarship program ang iba-ibang oportunidad para sa libo-libong QCitizens na nagnanais makapag-aral o magbalik-eskwela.
Dagdag ng alkalde, ang pagbibigay ng mas maraming pondo sa kanilang mga scholarship program ay isang magandang investment para sa kinabukasan ng lungsod.
Sa pamamagitan ng Ordinance No. SP-3283, ang scholarship program para sa mga mag-aaral sa senior high school ay pinalawak upang isama ang mga subcategory ng scholarship para sa mga akademya, mga espesyal na track, athletics at sining, at pamumuno ng kabataan.
Malaki rin ang itataas ng stipend para sa senior high school scholars mula P4,000 hanggang P10,000 taun-taon.