-- Advertisements --
Pormal ng humingi ng paumanhin si Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo matapos na mahuli ang kaniyang sasakyan na dumaan sa EDSA Busway sa ikalawang pagkakataon.
Inamin nito na naidaan ng kaniyang driver sa EDSA busway dahil sa pagmamadali.
Paglilinaw niya na hindi nila ginamit ang kaniyang posisyon para umiwas sa anumang pagbabayad ng penalty.
Hindi rin umano nito ginamit ang pangalan ng ama na si Senator Raffy Tulfo para makaiwas sa huli.
Binayaran na rin umano nito ang multa at sasailalim siya sa kaukulang seminars bilang bahagi ng penalty.
Tiniyak nito na gagawin nito ang lahat para hindi na maulit pa ang insidente.