Inihihirit ni Quezon City 4th district Rep. Marvin Rillo na ilibre na ang lahat ng sasakyan mula sa pagbabayad ng toll fee tuwing regular holiday.
Inihain ni Rillo ang House Bill No.9661, aamyendahan nito ang section 6 ng Presidential Decree 1112 kung saan maliban sa government vehicles na nasa official business ay isasama na rin ang lahat ng sasakyan para ma-exempt sa pagbabayad ng toll fee kapag natapat sa isang regular holiday.
Sinabi ng Kongresista na batay sa isang pag-aaral na ginawa ng Bonston Consulting Group noong Setyembre hanggang Oktubre 2017, lumalabas na inaabot ng 66 minutes sa gitna ng trapiko ang isang motorista o commuter sa Metro Manila.
Katumbas aniya ito ng P3.5 billion na nawawalang kita sa dahil sa traffic congestion.
Kaya naman malaking bagay na rin aniya kung malilibre sa paggamit ng express way ang mga motorista kahit tuwing regular holidays lang.
Ang Toll Regulatory Board ang siyang maglalatag ng panuntunan sa kung paaano ma-a-avail ang libreng toll fee sa sandaling maging ganap na batas ito.