-- Advertisements --

Nasa mahigit 3,000 na mga violators ang naaresto ng Quezon City task force disiplina na lumabag sa minimum health protocols ngayon buwan lamang ng Marso.

Nasa 1,743 ang kanilang hinuli sa ‘one-time big-time’ joint operations sa 142 na barangay sa lungsod.

Dinala ang mga ito sa Quezon Memorial Circle kung saan pinagsabihan at pinagmulta.

Sumailalim sa swab testing ang mga may sintomas COVID-19 habang binigyan ang mg ito ng face mask at face shield sa mga violators.

Patuloy pa rin ang panawagan ni Mayor Joy Belmonte sa mga mamamayan niya na sumunod sa minimum health standard para hindi na tumaas ang bilang mga nadadapuan.