-- Advertisements --
Magiging online na lamang ang gaganapin QCinema International Film Festival ngayon taon dahil sa coronavirus pandemic.
May tema itong “QCinema: A New Filmscape”, na gaganapin mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 6.
Ilalabas naman online ang mga nakaline-up na kalahok na mga pelikula.
Sinabi ni QCinema festival director Ed Lejano na ang nasabing pandemic at quarantine period ay nagdulot ng positibo sa kanila dahil mas maraming audience sa buong bansa ang makakapanood ng mga pelikulang kasali.
Magkakahalong local at foreign films ang nakaline-up sa nasabing film festival.