-- Advertisements --

qcitizen1

Patuloy na pinaalalahanan ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang mga QCitizens nito na mag-ingat dahil sa tumaas na naman ang COVID-19 cases sa siyudad.

Kaya naman hinihimok ang mga ito na magpabakuna, at ugaliing sumunod sa minimum health and safety protocols.

Ayon kasi sa OCTA Research, muling tumaas ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 cases sa lungsod.

Ito ay batay sa September 7 na datos ng Department of Health (DOH) at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).

Ang Reproduction Number (R0) ng Quezon City ay nasa 1.45.

Bahagya itong tumaas mula sa nakaraang linggo.

Ipinapakita rin sa numerong ito kung gaano kalala ang pagkahawa mula sa virus.

Ang R0 na mas mababa sa one ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection.

Umabot sa humigit kumulang 5,400 ang testing capacity ng Quezon City sa nakaraang linggo.

Muli namang tumaas sa 25% ang positivity rate ng lungsod.

Ibig daw sabihin, isa sa kada apat na taong tine-test ay nagpopositibo sa COVID-19.

Higit na mas mataas ito sa pamantayan ng World Health Organization na 5%.

Sa kabilang dako, nasa 90.1% o 131,000 na ang gumaling mula sa COVID-19 sa siyudad.

Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), 13,018 ang kumpirmadong active cases mula sa 145,392 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.

Dumadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa DOH para masigurong sila ay residente ng QC.