Naghahanda na rin ang Quezon City Police District (QCPD) para sa ilalatag na seguridad kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ay nakatakdang isagawa sa sa July 22, 2024.
Ayon kay QCPD District Director Police Brig. Gen. Redrico Maranan, nagkapaglatag na ang QCPD ng ilang mga plano para sa iallatag na seguridad na kinabibilangan ng deployment ng hanggang 6,000 na pulis.
Ang mga ito ay ipapakalat sa palibot ng Kamara.
Maliban dito ay tututukan din aniya ng QCPD ang mag lugar na madalas nagiging venue ng mga ikinakasang kilos-protesta na kinabibilangan ng Mabuhay Rotonda, Quezon City Memorial Circle, kahabaan ng Commonwealth Avenue, at ang kabuuan ng paligid ng Batasan Complex.
Maliban sa mga pulis na nakadeploy, nakatakda ring isapinal ang mga karagdagang plano kabilang na ang paglalabas ng k-9 units sa mga istratehikong lugar, gagawing signal jamming sa oras ng SONA, at posibilidad ng pagbabawal sa paggamit ng mga drone sa ilang lugar malapit sa Batasan Complex.
Posible rin aniyang magpapakalat ang QCPD ng dagdag na mga pulis na hindi nakasuot ng uniporme upang magbantay sa mga posibleng mangugulo.
Una nang sinabi ni NCRPO Chief at Task Force SONA Comm. Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na magpapakalat ng hanggang 22, 621 na kapulisan sa kabuuan ng NCR upang tiyakin ang kaligtasan at magbantay sa seguridad.
Ang mga ito dumadaan na aniya sa ibat ibang training at simulation, bago pa man mangyari ang SONA ni PBBM.