-- Advertisements --
Nagsampa ng kasong kriminal ang Quezon City Police District (QCPD) nitong Sabado laban kay Manibela Chairperson Mario Valbuena at Manibela Bulacan/San Fernando, Pampanga president.
Ayon sa QCPD, ang mga kasong kanilang isinampa ay kaugnay ng transport strike na ikinasa ng Manibela noong Hunyo 10 hanggang 12, para iprotesta ang consolidation ng mga jeepney sa ilalim ng PUV modernization program (PUVMP).
Ayon pa sa mga pulisya, nagtipon ang mga nagprotesta sa harap ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Nagsampa ang QCPD ng mga kasong alarm and scandal, resistance and disobedience, at paglabag sa Public Assembly Act, laban sa dalawa.