-- Advertisements --

ILOILO CITY- Sinumulan na ng Iloilo City Government ang pagpaparehistro upang makakuha ng Quick Response (QR) code.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Francis Cruz, pinuno ng Information Technology Division ng Iloilo City Hall, sinabi nito na maaaring magrehistro sa www.uswagtracer.com.

Ayon kay Cruz, nararapat na magrehistro ang mga residente ng Iloilo City anim na taon pataas, mga nagtatrabaho at bumibisita sa lungsod.

Pangunahing layunin ng QR Code ay mapabilis ang contact tracing kapag may magpositibo sa COVID-19 sa isang lugar sa lungsod.