Mariiing tinututulan ng quad alliance ang anumang pagtatangka na baguhin ang status quo ng pwersahan partikular na sa Indo-Pacific region.
Ang naturang pahayag ay kasunod ang summit meeting ng apat na miyembro ng Qaud alliance na dinaluhan nina US President Joe Biden, Indian Prime Minister Narendra Modi, Australian premier Anthony Albanese at Japan’s Prime Minister Fumio Kishida.
May kaugnayan rin ito sa international pressure sa Moscow dahil sa invasion nito sa Ukraine at sa umiigting na pamgamba ng posibilidad na pwersahang pagsakop ng Beijing sa sel-ruled taiwan.
Matapos ang Quad summit, napagkasunduan ang bagong maritime monitoring initiative nainaasahang magpapalakas sa surveillance sa mga aktibidad ng China sa rehiyon.
Inanunsiyo din ni Quad ang planong paglaan ng $50 billion sa infrastructure project at investment sa rehiyon sa susunod na limang taon.