-- Advertisements --

Binawi na nang House Quad Committee ang ipinataw na contempt order laban kay dating PDEA Chief Wilkins Villanueva.

Inaprubahan ni Lead committee chairman Rep. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte ang mosyon ni co-chairperson Rep. Joseph Stephen Paduano para alisin ang order laban kay Villanueva.

Ngayong araw, muling umarangkada ang ika-14th pagdinig ng Quad Committee.

Matatandaan na noong Disyembre 2024 ay pina-contempt si Villanueva dahil sa paulit-ulit na pagtanggi sa pagkakasangkot sa warrantless arrest ni Jed Pilapil Sy, asawa ng suspected drug lord Allan Sy na konektado sa Dumoy shabu laboratory na sinalakay noong 2004.

Gayunpaman hindi agad ipinatupad ang naturang contempt order para na rin sa diwa ng kapaskuhan.

Kung maalala, January 13, 2025 naman ay kusang sumuko si Villanueva sa Kamara para isilbi ang contempt order.

Ngunit sa pag-dinig ngayong araw, pinagbigyan ng komite ang kahilingan ni Villanueva na maalis ang contempt order sa pangako na makikipag-tulungan at sasagot ng makatotohanan sa mga katanungan sa pag-dinig.

“I was the one who moved to cite ex-General Wilkins in contempt and I appreciate his gesture of seeking a reconsideration, unlike Col. Grijaldo, who resorted to forum shopping,” pahayag ni Barbers.

Ayon kay Paduano, sa kaso ni Police Col. Hector Grijaldo imbes na maghain ng motion for resonsideration kinuwestiyon pa nito ang contempt order ng Komite sa Supreme Court.

Nangako naman si Villanueva na makipag-cooperate sa mega panel.