-- Advertisements --

Handang sagutin ng Quad Comm ang pamasahe ni dating pangulong Rodrigo Duterte para muling makadalo sa pagdining sa anti-drug war.

Sinabi ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, na lubhang mabigat nga sa bulsa ang pamasahe kaya walang problema sa panig nila na sagutin ito.

Una ng sinabi ng dating pangulo na dadalo lamang ito sa pagdinig kapag tuluyan ng sagutin ng mga mambabatas ang pamasahe nito.

Itinakda naman sa darating na Nobyembre 21 ang susunod na pagdinig ng Quad Comm ukol sa war on drugs ng dating pangulo.