-- Advertisements --

Hihilingin ng House Quad Comm sa dating opisyal ng Palasyo na si Irmina “Muking” Espino na isalaysay ang kaniyang naging papel sa reward system sa drug war ng dating administrasyon.

Nagbabala si Quad Comm co-chair Santa Rosa City Rep Dan Fernandez kay  Espino na mahaharap ito sa contempt kapag hindi dumalo sa pagdinig ng Komite na nakatakda sa November 6,2024.

Kumpiyansa naman si Fernandez na dadalo sa pagdinig ng Quad Comm ang dating aide ng Palasyo.

Si Espino ay tinukoy ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma bilang staff ni Sen. Christopher “Bong” Go, na inaakusahang nagma managee ng cash rewards na ibinibigay sa mga police officers na nakapatay ng drug suspeks.

Dumalo si Espino sa pagdinig ng senado nuong Lunes at itinanggi na siya ang nagsilbing disbursing officer sa operasyon ng pondo sa drug war ng Duterte administration.