Ikinalugod ng mga lider ng Quad Committee ang panawagan ni Sen. Risa Hontiveros na ang Senate Committee of the Whole ang mangunguna sa imbestigasyon kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration.
Nanawagan din ang mga mambabatas kay Senator Bato na linawin ang natatanggap na cash payments ng mga police officers na idinadaan kay dating Special Assistant to the President na si Sen. Bong Go.
Ayon kina Quad Comm Lead Chair Rep. Robert Ace Barbers at co-chair Rep. Dan Fernandez na ang cash payments na tinukoy ni Dela Rosa na “allowances” ay dapat linawin at ipaliwanag nito ng maayos.
Dagdag pa ni Barbers kailangan malaman kung ano ang layunin ng pagbibigay nito sa mga police officers at kung nasunod ang patakaran para sa tamang paggamit ng pondo ng bayan.
Giit ni Barbers na ang gagawing senate probe ay mahalaga para matukoy ang katotohan sa likod ng drug war operations.
Sinabi ni Barbers na ang Senate Committee of the Whole na pinangunahan ni SP Escudero ay mayb kapasidad na magbigay linaw kaugnay sa mga sangkot sa drug war kabilang ang mga high-ranking officials.
Ipinunto din ni Barbers na hindi maaring mamuno si Sen. Bato sa nasabing imbestigasyon.
Ngayong parehong magsasagawa ng imbestigasyon ang kamara at senado kaugnay sa war on drugs ng duterte admin, muling pinagtibay ng Quad comm ang kanilang pangako na panagutin ang mga responsable sa maling paggamit ng pondo ng bayan.