Pinag-aaralan ngayon ng House Quad Committee na isulong ang mas mahigpit na requirements na ipatutupad ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagkuha ng birth certificates sa ilalim ng late registration policy.
Ito’y kasunod sa ulat na nakuha ng Komite na karamihan sa mga Chinese ay kumuha ng birth certificate sa pamamagitan ng late registration Lalo na ang mga indibidwal na sangkot sa iligal na operasyon ng POGO sa bansa.
Ayon kay Quad Comm lead Chairman Rep. Robert Ace Barbers na kanila din sisilipin ang local civil registrar na siyang nagbibigay ng endorsement bago ito iakyat sa PSA.
Dagdag pa ni Barbers kailangan magkaroon ng batas para sa ganitong asunto.
” So, hindi na po siguro kailangan gumawa ng batas because there was a clear
violation of the provision of the constitution. Pero doon sa PSA, iyan po ang aming pinag-aaralan. Kailangan maging mahigpit yung requirements para ho bago silang magissue ng Certificate of Life Birth, lalong-lalo na doon sa mga nag-a-apply under the
policy of late registration. Kasi karamihan dito sa Chinese na ito ay late registration. Kaya nga isa iyan sa tinitingnan nitong Quad Comm. Kasama diyan iyong ating local civil registrar. Kasi ang endorsement nanggagaling sa kanila e bago umakyat dun sa PSA. So, tinitingna din natin in this two agencies kung anong pwedeng gawin na batas o panukalang batas para higpitan yung pag implement nila ng mga polisiyang ito,” pahayag ni Rep. Barbers.
Sa panig naman ni Rep. Stephen “Caraps” Paduano kaniyang inihayag na ang depensa ng PSA ay tumatanggap lamang sila ng mga dokumento batay sa endorsement ng local civil registrar at ang kanilang trabaho ay ministerial lamang.
Kaya giit ni Paduano kailangan ng bumuo ng batas ng sa gayon hindi na makakalusot ng ganitong mga kalakaran.
” Actually, ang problema lagi diyan yung defense ng PSA. First, binabalik nila dun sa NCR. They’re just receiving daw documents coming from the local civil registry. Yung second na defense lagi nila is ministerial daw yung role na iyan that’s why during
the hearing in Public Accounts, nilinaw po natin na dapat we have to do something about it. We have to legislate laws that will make sure na hindi na po lulusot itong mga kasong ganito. Not only Alice Guo, in the case of Eddie Tayang, akalain mo 1983 siya
ipinanganak, iyong registration niya dito sa Filipino citizen, after 23 years o 21 years. So, dun po sila nakakalusot. Kaya kailangan we have to legislate laws na masiguro natin na hindi na ito lulusot in the future ang mga ganito kalakaran,” pahayag ni Rep. Paduano.