-- Advertisements --

Aminado si House Quad Committee overall chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na isang lesson para sa kanila ang ginawa ni Police Col. Hector Grijaldo.

Sa isang panayam sinabi ni Barbers n awala namang ibang intensiyon ang kaniyang mga kasamahan noong kinausap nila si Grijaldo.

Kung maalala inakusahan ni Grijaldo ang dalawang co-chairmen ng Quad Comm na sina Reps. Dan Fernandez at Benny Abante na pumilit umano sa kanya para kumpirmahin ang “reward system” sa giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.

Dahil dito sinabi ng Kongresista na mag-iingat na sila pagdating sa pakikipag-usap sa mga testigo.

Paliwanag ni Barbers, kinausap lamang ng dalawang Quad Comm co-chair si Grijaldo, dahil sa hiling ni dating PCSO General Manager Royina Garma.

Sinabi pa ni Barbers na noon pa man, kapag may gustong tumestigo sa Quad Comm hearings ay nagsasagawa ng vetting o pagsusuri, kasama na ang paghiling sa mga ito na gumawa ng affidavit para hindi naliligaw ang Quad Comm.

Nagpahayag naman ng pagka dismaya ang mga mambabatas kay Grijaldo dahil hindi nito sinasagot ang mga tanong sa kaniya kaugnay sa kaniyang naging testimonya sa Senado.

Dahil dito nawalan na ng pasensiya ang mga kongresista sa dating hepe ng Mandaluyong police, muli itong pinatawan ng contempt ng Quad Comm, at inilipat at naka-detain na sa QCPD Station 6.